Para sa mga hirap makatulog

Payo ni Doc Willie Ong



1. Matulog ng parehong oras bawat gabi. Humiga sa kama ng may takdang oras, tulad ng alas 9 ng gabi.

2. Huwag mag-siesta. Kapag natulog ka sa hapon, hindi ka na aantukin sa gabi.

3. Mag-ehersisyo sa umaga o hapon. Kapag pagod ang ating katawan, mas madali makatulog sa gabi.

4. Huwag uminom ng kape o iced tea sa hapon o gabi. Ang mga ito ay may caffeine na nagpapagising sa atin.

5. Makinig ng konting musika. Mag-relax. Puwede din magpamasahe at maligo ng maligamgam na tubig.