Alamin ang Sintomas ng Bato sa
Apdo o Gallstone
Payo ni Doc Willie Ong
Ang gallstones o bato sa apdo ay
mga namuong deposits ng digestive fluid sa gall bladder. Ang gall bladder ay
maliit na organ sa kanang bahagi ng tiyan sa ilalim ng atay. Ito ang
nagsisilbing imbakan ng bile na kailangan para sa pagtunaw ng taba sa ating
bituka.
Iba iba ang laki ng gall stones.
Maaaring kasinlaki lang iton ng butil ng buhangin at maaari itong maging
kasinlaki ng isang golf ball. Ang mga taong may gallstones at nakakaranas ng
mga sintomas ay kadalasang kinakailangang sumailalim sa operasyon upang
tanggaling ang apdo. Ngunit kung wala namang senyales at sintomas na
nararamdaman ay hindi ito kailangang operahan.
Sintomas ng Gall Stones
Minsan ay walang sintomas na nararamdaman ang may mga gallstones. Ngunit kapag
bumara ang gallstones sa mga ducts sa apdo ay maaari itong magdulot ng sintomas
tulad ng:
1. Biglaan at matinding sakit sa itaas na kanang bahagi ng tiyan,
2. Matinding sakit sa gitnang bahagi ng tiyan sa ilalim ng breastbone
3. Pananakit ng likod at kanang balikat
4. Ang sakit na ito ay maaaring maramdaman sa loob ng ilang minuto hanggang
ilang oras.
Kapag naramadaman ang mga
sintomas na ito, kumonsulta sa inyong doktor.