Mga Tips para bumata

Payo ni Doc Willie Ong



LAHAT nang tao ay nagkakaedad. Pero may mga paraan para mapabagal ang ating pag-edad. Alamin natin ang 21 paraan:
1. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal.
2. Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser.
3. Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas, tulad ng mansanas, saging at pakwan.
4. Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.
5. Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay – Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.
6. Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine.
7. Magkaroon nang mabait na kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress sa buhay.
8. Makipag-sex (sa iyong asawa o partner) ng mas madalas. Kontrobersyal itong payo pero napatunayang may katotohanan. Ang pakikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at nakababawas din sa stress.
9. Umiwas sa bisyo at peligro.
10. Matulog ng 7-8 oras bawat araw.
11. Mag-ehersisyo.
12. Mag-alaga ng aso. Nagbibigay ng pagmamahal ang aso sa kanyang amo.
13. Magsipilyo ng 3 beses bawat araw. Gumamit din ng dental floss.
14. Magpabakuna. May mga bakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trangkaso, at iba pa.
15. Inumin lang ang tamang gamot. Itanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot o supplement. Mas mainam na magtanong sa 2 doktor para makasiguro na tama ang iyong iniinom.
16.Alamin ang mga sakit sa pamilya at gumawa ng paraan para maiwasan ito. Halimbawa, kung may lahi kayo ng sakit sa puso, magpasuri nang maaga sa doktor.
17. Uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw.
18. Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan.
19. Umiwas sa usok ng sigarilyo.
20. Mamuhay lamang ayon sa iyong kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.
21. Huwag magretiro. Laging ituloy ang iyong trabaho.
Ang mga paliwanag sa mga payong ito ay mababasa sa librong “How To Live Longer.” May 50 artikulo sa libro na masasagot ang inyong tanong sa sakit sa puso, altapresyon, diabetes, pampapayat, sex, tamang pagkain, at iba pa.