Bakit Laging Sumasakit
Yung Suso Ko?
Payo ni Doc Willie Ong at Doktor Doktor Lads
Payo ni Doc Willie Ong at Doktor Doktor Lads
Ang breast pain o mastalgia ay kadalasang reklamo ng mga babae. Kasama dito ang pananakit na parang nag-iinit, tinutusok o parang pinipiga ang laman sa may suso. Maaaring constant ito o minsan ay pasumpong-sumpong.
Iba-iba ang dahilan ng pagsakit ng suso. Pwedeng mangyari ito kapag malapit ka nang reglahin. Minsan bago reglahin at kahit tapos na ang regla ay masakit pa rin. Minsan naman ay buong buwan itong masakit. Kadalasan ay hindi naman dahil sa cancer ang pananakit ng suso.
Ngunit ang pananakit ng suso na mahigit isang buwan na ang tagal ay dapat ikonsulta sa doktor lalo na kung hindi ito nawawala kahit hindi naman panahon ng iyong regla.
Ang sakit sa suso ay maaaring dahil sa reproductive hormones na nailalabas tuwing regla. Pwede ding problema sa structure ng iyong suso, pwedeng nagkaroon ng cyst sa iyong suso. Pwede ding problema sa fatty acid o taba sa katawan. May mga gamot din na nagdudulot ng pananakit ng suso tulad ng ilang gamot sa infertility, oral birth control pills at antidepressants.