Ang
Tamang Pag-inom Ng Tubig
Payo ni Dr. Willie Ong
Payo ni Dr. Willie Ong
Kailangan ng ating
katawan ang 8 hanggang 10 basong tubig sa maghapon. Nililinis ng tubig ang mga
dumi natin sa katawan. Makaiiwas tayo sa bato sa bato (kidney stones) at
impeksiyon sa kidney. Nakababawas din ng pangangasim ng sikmura ang
tubig.
Sa mga kababaihan, uminom ng sapat na tubig para hindi kumulubot ang iyong mukha. Panlaban sa wrinkles ang pag-inom ng tubig. Heto ang tamang paraan ng pag-inom ng tubig:
Sa mga kababaihan, uminom ng sapat na tubig para hindi kumulubot ang iyong mukha. Panlaban sa wrinkles ang pag-inom ng tubig. Heto ang tamang paraan ng pag-inom ng tubig:
1.
Uminom ng 1 basong tubig pagkagising sa umaga – Sa buong magdamag, siguradong
hindi tayo nakainom kaya medyo kulang na tayo sa tubig sa umaga. Madilaw din
ang ating ihi.
2. Uminom ng
pakonti-konti sa maghapon – Ang tamang pag-inom ng tubig ay ang 3 hanggang 4 na
lagok bawat kalahating oras. Malilinis ng tubig ang asido ng tiyan. Huwag naman
uminom ng 2 basong tubig ng biglaan at baka mahirapan ang iyong puso.
3. Kahit hindi nauuhaw,
uminom ng tubig. Ang mga may edad ay hindi gaanong nakararamdam ng uhaw, kaya
painumin sila ng tubig.
4. Kapag nanunuyo ang
iyong mata, lalamunan o ilong, uminon din ng tubig.
5. Turuan natin ang mga
bata na uminom ng tubig. Para paglaki nila, sanay na sila.
6. Dahil sobrang init sa
Pilipinas, kailangan natin uminom ng maraming tubig. Kapag kulang ka sa tubig,
mahihirapan ang iyong utak na mag-isip.
7. Tubig lang ang
pinaka-healthy sa lahat. Bawasan ang pag-inom ng kape, soft drinks at alak.
Lalo ka lang mauuhaw sa mga iyan.
8. Kung ika’y may sakit,
uminom ng mas maraming tubig. Makatutulong ito sa paglaban mo sa trangkaso,
lagnat, ubo at sipon.
9. Sa mga buntis,
kailangan mo ng maraming tubig. Lalo na sa mga nag-breast feed, uminom ng 12
baso sa isang araw, para dumami ang iyong gatas. Isipin na dalawa ang
pinapakain mo.
Mga paalala lang: Huwag
lalampas sa 16 baso ang iinumin sa isang araw. Sobra na iyan. Sa mga may
altapresyon at sakit sa puso, magtanong muna sa inyong doktor bago uminom ng
maraming tubig.
Huwag mabahala kung ihi
kayo ng ihi. Isipin lang na nailalabas mo ang mga dumi sa iyong katawan. Sa katunayan,
posibleng tubig lang ang sagot sa ilang karamdaman.