ANG
PABORITO NAMING GUYABANO
(Marami syang health benefits)
(Marami syang health benefits)
Hindi lang dahil sa
masarap sya kaya't gusto namin sya. Marami rin syang health benefits, katulad
ng:
1.
Tumutulong syang mag-produce ng energy para sa katawan. Mayaman sya sa vitamin
na Thiamin na tumutulong i-convert ang asukal at carbohydrates na maging
energy.
2. Nakaka-patibay rin sya
sa mga buto natin. Mayaman rin sya sa calcium na kailangan ng mga buto.
3. Nakakatulong rin syang
ma-control ang cholesterol natin sa dugo. Dahil ito sa Niacin na nasa guyabano.
4. Makakatulong rin ito
para maiwasan ang anemia dahil mayaman sya sa iron.
5. Maaring makatulong rin
sa mga may migraine headache dahil sa taglay nitong Riboflavin.
6. Mayaman sya sa fiber
kaya't makakatulong rin sa mga may constipation.
7. Mayaman rin sya sa
vitamin C at makakatulong para labanan ang mga infection tulad ng infection sa
ihi o UTI.
8. Mayaman rin sya sa
potassium na maaring makatulong sa mga nakakaramdam ng pamimitig (cramps) ng
muscles at panghihina.
9. Para sa mga kababaihan
naman, nakakatulong ang guyabano na bawasan ang mga nararamdaman tuwing may
menstruation.
10. Mayaman rin sya sa
Folate na kailangan ng mga nag-bubuntis.
Masustansya ang guyabano
pero, 'wag naman natin syang ituring na gamot para sa lahat na nabanggit nating
problema. Ituloy pa rin natin ang mga gamot na rineseta ng doctor natin.
O, kain na ng guyabano!