Anemia o Anemic: Mga Sintomas at Solusyon
Payo ni Doc Willie Ong
Payo ni Doc Willie Ong
Minsan ba ay parang pagod ka? May nagsabi ba na maputla ka? Ikaw
ba ay buntis o lampas sa edad 60? Kung ganoon, ipa-check natin ang iyong dugo
para sa anemia.
Ang anemia ay isang pangkaraniwang kondisyon kung saan kulang sa pulang dugo (red blood cells) ang katawan. Alam natin na ang pulang dugo ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan.
Ang anemia ay isang pangkaraniwang kondisyon kung saan kulang sa pulang dugo (red blood cells) ang katawan. Alam natin na ang pulang dugo ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan.
Kadalasan, ang anemia ay
tinatawag na iron-deficiency anemia o IDA. Ang dalawang pangunahing dahilan
nito ay ang kakulangan ng nutrisyon mula sa pagkain at ang pagkakaroon ng
anumang pagdurugo sa katawan.
Problema Ng Pilipino:
Ayon sa DOST at FNRI Seventh
National Nutrition Survey noong 2008, ang iron-deficiency anemia ay
nakakaapekto sa 4 sa bawat 10 buntis na Pilipinas. Para sa mga sanggol mula 6
buwan hanggang 1 taon, 56% ay may anemia din. Sa mga bata mula 1 hanggang 12
taon, may 20% ang anemic din. Pag dating naman sa mga edad 60 pataas, may 3 sa
bawat 10 senior citizens ang kulang sa dugo.
Ano ang komplikasyon nito? Para
sa mga buntis, puwedeng mapaaga o maging premature ang kanilang pagsilang ng
sanggol. Para sa batang may anemia, puwede silang maging pandak, payat,
masakitin at mahina sa pag-aaral.
Sintomas at Gamutan:
Kapag bahagya lang ang kakulangan
ng dugo, marahil ay walang sintomas ang mararamdaman. Ngunit kung mabilis ang
pagbaba ng iyong hemoglobin count o mas mababa pa sa 10 mg/dL ang iyong
hemoglobin ay may mararamdaman ka na. Ang pangkaraniwang sintomas ng anemia ay
panghihina, pagkahilo kapag tumatayo, hinihingal at palpitasyon.
Para malaman kung ikaw ay may
anemia, magpakuha ng CBC (complete blood count) para makita ang lebel ng
hemoglobin at hematocrit sa dugo.
Ang good news sa sakit na anemia
ay madali lang itong gamutin:
1. Kumain ng mga pagkaing mataas
sa iron. Sa mga karne, mataas ang iron sa atay ng baka, laman ng baka, baboy at
manok. Sa mga hindi gaanong kumakain ng karne, makakakuha din ng iron sa
maberdeng gulay tulad ng spinach, malunggay, kangkong, at patatas na may balat,
beans at peas. May mga tinapay at cereals din na may dagdag iron.
2. Kumain din ng pagkaing mataas
sa vitamin C. Nakatutulong ang vitamin C sa pag-absorb ng iron sa katawan.
Mayaman sa vitamin C ang prutas tulad ng dalandan, orange, pinya at suha.
3. Puwede ding uminom ng Iron tablets tulad ng ferrous
sulfate tablet at mga multivitamins na may iron. Gawin ito ng isang buwan at
siguradong tataas na ang iyong hemoglobin sa dugo. At huwag kalimutang
kumonsulta sa doktor.