Alimango at Alimasag: Sino Puwede Kumain? 
Payo ni Doc Willie Ong 



Ang laman ng alimango ay mababa sa taba at nagbibigay ng 82 calories lang sa bawat 3 ounces serving. Ang seafood ay nagbibigay ng mga bitamina at mineral para mapabuti ang ating kalusugan. Puwede naman kumain ng alimango at alimasag. Pero paminsan-minsan lang.

1. May Protina – Inire-rekomenda na kailangan ang pagkonsumo ng 46 grams ng protina para sa babae at 56 grams para sa lalaki. Ang 3 ounces ng crab meat ay nagbibigay ng 16 grams ng protina. Ang protina ay mahalaga para maging matatag ang kalamnan at masel. Ang protina ng alimango ay nagbibigay ng 20 amino acid na kailangan ng katawan.

2. Bitamina B12 - Ang alimango ay mayroon ding vitamin B12. Ang vitamin B12 ay kailangan para makabuo ng pulang dugo o red blood cell. Sinusuportahan din ng vitamin B12 ang normal na pag-andar ng utak at kalusugan ng puso.

Ngunit may pag-iingat din sa pagkain ng alimango: 

1. Mataas sa Sodium (asin) - Ang isang 3 ounces na suplay ng laman ng alimasag ay naglalaman ng 911 mg sodium. Ang malusog na tao ay dapat limitahan ng 2,300 mg sodium sa bawat araw o mas mababa pa. Ang sobrang sodium ay puwedeng makadagdag ng panganib sa stroke, sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo at heart failure.

2. Mataas sa Kolesterol - Gayundin ang 3 ounces ng crab meat ay naglalaman ng 45 mg kolesterol. Medyo mataas na ito. Dapat ay limitahan lang sa 300 mg kolesterol bawat araw. Kaya dapat ay hinay-hinay lang sa pagkain nito. 

3. May taong nag-allergy sa pagkain nito – Nakakaramdam sila ng pangingimay ng bibig at labi, pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae.